Bobo ang magbasa nito.
Kung meron mang librong nakapagbago ng pananaw ko sa mundo… iyon ay ang unang libro ni kuya Bob.
“Hindi pala exam na may passing rate ang buhay … huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures“
Sa buong buhay ko, ang mga libro lamang ni Bob Ong ang nasisimulan at natatapos kong basahin simula sa front cover hanggang back cover at pagkatapos ay mapapatingin sa kisame at mapapabuntong-hininga, ang gandang pakiramdam noon di ba? *hehe* Sa mga libro niya ako nahila sa mundong tungkol lamang sa sarap at ginhawa patungo sa mundong may tamang timpla ng sarap at hirap. Exaggerated kamo? Hmm.. slight. *hehe* Nang natapos ko ang unang libro niya ay agad akong nag-atubiling hanapin sa internet ang iba’t ibang impormasyon tungkol sa kanya. Doon ko nalaman na may iba pa siyang sinulat na libro. Nasa fourth year high school ako nung nabasa ko ang green book, sumunod naman ang black book, sunod ay ang orange book at white book, at panghuli ang red book. Sa kasamaang palad ay di ko pa nababasa ang yellow book dahil malupit ang mundo sa akin… sa tuwing sisimulan ko iyon basahin ay nagkakataong may tatawag sa akin para gumawa ng ibang bagay. Ang gray book naman ay nandito sa may harapan ko, nakalagay sa may bookshelf, noong May ko pa nabili yun pero hanggang ngayon eh di ko pa nababasa… bakit? Ewan ko nga ba sa sarili ko, ang dami kasing “distractions” na sumasalubong sa akin sa tuwing sisimulan ko iyon eh, kapareho ng kapalaran sa yellow book. Lahat ng kulay ay meron ako maliban dun sa yellow at orange. Bakit ba ako nahumaling sa mga libro niya? Simple ang sagot, nagagawa niyang humor ang isang seryosong topic. Yun lang naman ang hanap ko eh… humor na may sense, may kabuluhan, yung tipon na hindi lang basta patawa na tungkol sa katarantaduhan na walang kwenta. Simple pero rock! hehe
Green book.
Natatandaan ko tuloy ang adviser namin noong grade one. Si Ms. Rose, kalahati ng school year eh wala siya, maternity leave daw ang dahilan, nagtaka na lang kami nang biglang may pumasok na ibang teacher sa pinto namin at nagpakilalang adviser namin. Nakalimutan ko ang susbstitute adviser namin noon eh.
Noong kinder naman ako, takot na takot ako mag-grade one dahil sa cursive writing, small letter ‘e’ lang ang una kong inakalang cursive letter noon. Sinulat ko ng sinulat ang small letter ‘e’ sa pang-grade one kong papel noong kinder.
Nagtataka ako noon kung bakit may letter ‘A’ sa gitna ng nakasanayan kong isinusulat na pangalan sa mga papel dati, yun ang pagkakataon na nalaman ko ang konsepto ng middle initials. Mula sa nakasanayang “Tyron Lucido” eh naging “Tyron A. Lucido” na noong grade three (Oo, grade three lang ako nasanay ilagay ang middle initial ko sa mga test papers). Oh, umaasenso di ba? Oo nga pala, kung hindi mo pa nababasa ang green book ni kuya Bob eh magtataka ka kung bakit ako nag-share ng grade one experiences ko. Ang galing ko, sa hulihan ko nilagay ang paunawa.
“Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba’t-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan…”
Fourth year high school. Sa mga librong naka-imbak sa library noon, may nakita akong librong kakaiba ang title, naintindihan ko lamang ito sa pangatlong basa ko ng title nun. Natuwa ako na parang bata dahil sa ka-inutilan ko. *hahahaha* Binuklat ko ang libro at saktong may nakita akong nakakatawang parte… yung tungkol sa natae si Bob Ong sa brief niya. *xD* Tapos nun ay balak kong simulan na ang libro pero dahil galit sa akin ang mundo, nag-ring ang pesteng bell, pinilit kong isinantabi ang tunong ng bell pero talagang galit na galit sa akin ang kapalaran… dumating ang masungit na librarian at pinatayan kami ng ilaw dahil nagsisimula nang umingay ang mga tao na paalis dun sa may pinto. Kaya itinabi ko ang libro sa isang liblib na sulok ng library para balikan kinabukasan. Pero dahil sadyang malas ako eh di ko nakita ang itinago kong libro. Malas! May nakakita at humiram siguro. Pagkatapos ng isang linggo, nakita ko ang libro iyon sa national.. eh nagkataong may extra akong pera nun kaya naman binili ko agad iyon ng walang alinlangan. At dito na magsisimula ang sagot ko sa tanong ni Mam’… hehe. Apir! XD
Siguro naman alam mo na ang librong tinutukoy ko mula doon sa pangalawang pangungusap sa itaas. Ano nga ba meron kung bakit ako masyadong natuwa sa librong yun? Fourth year high school ako noong una kong nabasa ko yon. Sakto graduating. Nagkataong tungkol sa buhay estudyante ang libro at nakukumahol ako gumawa ng thesis sa mga panahon iyon. Nag-procrastinate ako sa pamamagitan ng green book sa gitna ng problemang thesis! *bwahaha* Ayun nga, tungkol sa buhay estudyante ang libro… doon ko na-appreciate ang pagiging estudyante. Sa thesis week ko naramdaman ang tunay na diwa ng pagiging high school student. Kumbaga nasa sukdulan na ang pag-appreciate ko sa hirap ng pagiging isang fourth year highschool student. Sabihin mo nang nag-e-exagge lang ako pero yun ang totoo. Doon ko naramdaman ang paghihirap, na-realize ko na hindi na ako pwedeng pa banjing-banjing lang. Lagot ako kapag di ko natapos ang thesis. Takot akong di maka-graduate. Lahat nun naramdaman ko pagkatapos ko mabasa ang librong iyon. At sa hanggang ngayon, sa tuwing down na down ako sa studies ko eh TATANDAAN ko lang ang mga nabasa ko doon. Magtataka ka kung bakit naka-capitalized yun, yun ay sa kadahilanan na wala na sa akin ang green book dahil sa magaling kong kaibigan na hindi isinauli ang libro ko. Dapat sa mga ganun eh pinapako sa krus ng nakabaligtad habang tinatanggalan ng buhok sa kilay ng pwersahan eh. Lol, ang sama ko.
Ipinapangako ko sa sarili ko, babasahin ko ulit ang librong iyon bago ako gumaradweyt sa kolehiyo. Sa malamang ko eh, maluluha ako nun! O sige na nga, baka maiyak ako! Lol.
Oo nga pala, di lang naman puro tungkol sa buhay estudyante yung librong iyon eh. Marami ring aral na labas sa buhay estudyante.. ang “real life”. Mahilig ako sa mga bagay na mag paparamdam sa akin ng nostalgia, Kaya naman naisulat ko ang huli kong blog entry tungkol sa paborito kong character sa Final Fantasy. Ang librong din yun ang naging susi para mabuksan ang aking mata sa tunay na kalagayan ng ating bansa pati na rin ang mga taong nakatira dito. Bakit kamo? Kung hindi ko nabasa yun eh di ko mababasa ang iba pa niyang libro na kung saan marami akong natutunan tungkol sa buhay.
Bago ko makalimutan, ang titulo nga pala ng librong tinutukoy ko ay ang ABNKKBSNPLAko by Bob Ong.
“Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.”
Pero ang paboritong kong nabasang libro ay actually isang graphic novel, manga… at yun ang Love Hina
pero napili ko ang green book dahil yun nga ang librong may pinakamalaking epekto sa pananaw ko sa buhay. ^^



